CPO003 - Calle Pogi Series 3: LIAN

price
PHP 42.00
Author(s)
Keene Alicante

CPO003 - Calle Pogi Series 3: LIAN

"'I was afraid you would reject me. Kaya nga idinadaan ko na lang sa mga simpleng hirit at pagpapa-cute ang lahat para kahit paano ay inapansin mo rin ako."

Mags was head over heels in love with Waki. Alam iyon ng buong mundo. Kompleto na sana ang kaligayahan niya dahil sa iisang lugar sila nakatira. Anumang oras ay maaari niyang iparamdam dito ang pagsinta niya.

Pero may kontrabida sa kaligayahan niya—si Lian. Kaibigan ito ni Waki kaya hindi niya maintindihan kung bakit sinisiraan nito sa kanya ang kaibigan nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang sariling kainisan ito.

Pero bakit ganoon? Apektado siya tuwing nakikita niya itong may kausap na ibang babae at iritang-irita siya kapag may babaeng interesado rito. At bakit tuwing ngingiti ito sa kanya ay dagling napapawi ang inis niya at lumulukso ang kanyang puso?

Ibig sabihin ba niyon ay may gusto siya rito?

social media

Categories