CPO004 - Calle Pogi Series 4: MAKISIG

price
PHP 42.00
Author(s)
Keene Alicante

CPO004 - Calle Pogi Series 4: MAKISIG

Nang maisipang magbakasyon ni Jean, sa Calle Pogi siya nakarating. Madalas kasing ibida iyon sa kanya ng kaibigan niyang si Mags. Sa bakasyong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila ng kababata niyang si Makisig. He was a lanky, nerdy boy when they were kids. Pero ngayon ay bagay na bagay na rito ang pangalan nito. Makisig na makisig na ito.

Ngunit hindi lamang pala naging makisig ito, may pagkasuplado na rin ito. But that didn't stop her from being fascinated by him. Naa-amaze kasi siya sa laki ng ipinagbago nito. Kaya tuwing nagkikita sila, kinukulit-kulit niya ito.

Pero nanatiling dead-ma ito sa pangungulit niya. In fact, hinahayaan lang nito at inuunawa ang kapraningan niya. And everything was okay. Until he told her she was a very important friend to him.

Hala! Kaibigan lamang pala ang tingin nito sa kanya? Pambihira! Ano na ang gagawin niya ngayong hindi lamang siya basta humahanga rito?

social media

Categories