PHRB019 - Lovely Magic Fountain

price
PHP 45.00
Author(s)
Luna King

PHRB019 - Lovely Magic Fountain

“I can stop dreaming now, because finally, the reality where you’re here beside me, that I can hold you like this, is better than any dream.”

Desperada si Umi na makahanap ng prinsipe na tulad ng mga nababasa niya sa fairy-tale books. Pero sa kakamadali niyang magka-love life, muntik na siyang mapahamak. Doon naman umentra si Alaude—ang mortal enemy niya na naging first heartache niya. Dahil sa malaking kasalanang nagawa nito sa kanya, nag-a la “fairy godmother” niya ito sa paghahanap niya sa kanyang Prince Charming. Kasama niya ito sa lahat ng kilig at pagkabigong naranasan niya sa mga palpak na lalaking dumaan sa buhay niya. Kaya nang dumating si Zagg, nag-alinlangan na sila. Hanggang sa mag-suggest ang mga kaibigan nila na gumawa sila ng “signs” na magsasabi kung si Zagg na nga ba ang lalaking nakalaan para sa kanya. Sumagot naman ang tadhana—nangyari ang lahat ng signs! Pero kung kailan naman natagpuan na niya ang kanyang prinsipe, saka naman niya hinanap-hanap si Alaude. Kaya ba niyang kalabanin ang tadhana na nagsasabing si Zagg ang nakalaan para sa kanya para ipaglaban si Alaude na bigla na lang lumayo sa kanya?

social media

Categories