PHRB038 - PS: I Love Moe

price
PHP 42.00
Author(s)
Camilla

PHRB038 - PS: I Love Moe

“Kahit magalit ka at pagtarayan ako nang todo-todo, alipustahin mo man ako katulad ng dati... hindi ako magagalit. Dahil alam ko naman na front mo lang `yon. Alam ko naman na gusto mo rin ako, eh.”

Sa kung anong hindi ko maipaliwanag na dahilan, hate na hate ko si Salvador “Badong” Booc, ang hardinero namin na anak ng helper din namin. Ang jologs ng name, nakakainis pa ang hilatsa! Kahit pa guwapo siya at mabango at hindi naman ako inaano. Pero bakit ganoon? Nang magsimulang magpakita ng interes ang mga bruhang classmate ko sa kanya, parang ibang klaseng inis naman ang naramdaman ko. Ako si Monica Oprah Eugenie Llanes, aka Moe, ang achiever at magandang unica hija ng isang mayamang negosyante kaya—excuse me—hindi bagay sa akin ang isang katulad ni Badong!

social media

Categories