ROX00002 - Roxy City Series 2: Anastacia (All The Things You Are)

price
PHP 42.00
Author(s)
Angelene Buena

ROX00002 - Roxy City Series 2: Anastacia (All The Things You Are)

"Sabihin mo na lang ang dapat kong gawin para magpakasal ka sa "kin. Dapat tayong magkatuluyan. We should be together."

Hindi inakala ni Anastacia na mapipilitan siyang isantabi ang pangarap na maging sikat na music artist dahil sa responsibilidad sa kanyang pamilya. Nagkaroon ng sakit ang kanyang ama dahilan upang magbitiw ito sa puwesto bilang chairman ng kanilang multimillion company. Aaminin ni Anastacia na hindi niya gusto ang corporate world. Ngunit kailangan niya iyong matutuhang mahalin bilang nag-iisang tagapagmana ng kanyang ama. At kaakibat ng pagsalo niya sa responsibilidad ay ang pakikipagkitang muli sa nag-iisang lalaking minahal niya nang lubusan ngunit siya ring nanakit sa kanya. Hindi niya inakala na sa pagkikita nilang iyon ay muling manunumbalik ang sakit at ang damdamin niya para kay Seoff na pilit niyang pinakawalan. Makapangyarihan ang pag-ibig. Iyon ang naranasan ni Anastacia sa piling ni Seoff. Pero sa pagbalik ng dating magandang samahan nila ay isang masakit na katotohanan ang naghihintay sa kanya...

social media

Categories